^

PSN Palaro

Bolts kinuryente ang Aces

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalampasan ng Meralco ang pagresbak ng Alaska mula sa 16-point deficit sa second period para angkinin ang 89-80 panalo sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dumiretso ang Bolts sa kanilang ikalawang sunod na ratsada para sa 4-1 kartada habang nahulog ang baraha ng Aces sa 2-3

Tumipa si guard Nards Pinto ng 16 points at nagdag­dag sina Chris Newsome, rookie Alvin Pasaol at center Raymond Almazan ng 14, 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Ang matinding depensa ang muling ginamit ng tropa ni coach Norman Black.

“I thought once again that we played good defensively,” sabi ng one-time PBA Grand Slam champion mentor. “It’s a good effort from everybody. A lot of contributions from a lot of different players.”

Ipinoste ng Meralco ang 49-33 bentahe sa 9:38 minuto ng second quarter mula sa dalawang free throws ni Bong Quinto bago nakabangon ang Alaska para makalapit sa 58-62 agwat sa pagsisi­mula ng fourth period.

Nagsalpak naman si Pasaol ng tatlong magkahiwalay na three-point shots, ang huli ay naglayong muli sa Bolts sa 77-68 sa 6:32 minuto nito.

Ang dalawang charities naman ni Newsome ang nagtaas pa sa kanila sa 87-75 kalamangan sa hu­ling 3:42 minuto ng labanan para selyuhan ang kanilang panalo.

Binanderahan ni rookie Gab Banal ang Aces sa kanyang 20 points at nag-ambag si Maverick Ahanmisi ng 16 markers.

Samantala, matapos ipagpaliban ng PBA ang bakbakan sana ng Phoenix at Blackwater kahapon ay isinunod naman ang nakatakdang laban ng nagdedepensang Barangay Ginebra at San Miguel ngayong hapon

Ito ay matapos ilabas ng liga ang isang league advisory kaugnay sa kanilang ipinatutupad na health and safety protocols.

Noong Miyerkules ay tinalo ng Beermen ang Bos­sing, 99-80 habang nabigo ang Fuel Masters sa Meralco Bolts, 80-91.

Hindi itinuloy ng liga ang banggaan ng Blackwater at Phoenix dahil sa protocols.

Nauna nang ipinagpaliban ng PBA ang laro ng TNT at Terrafirma makaraang maglalabas ang apat na TNT players ng “tests that were either positive or needs to be confirmed for COVID-19 under government approved league protocols.”

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with