^

PSN Palaro

Gilas lusot sa Tunisia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailusot ng Gilas Pilipinas ang pukpukang 74-73 overtime win sa Tunisia upang masikwat ang ikalawang panalo nito sa 10th King Abdullah Cup kahapon sa Prince Hamzah Sport Hall sa Amman, Jordan.

Naisalpak ni Thirdy Ravena ang isa sa dalawang free throws nito sa huling siyam na segundo ng laro na sinamahan ng solidong depensa ng tropa sa huling sandali upang gulantangin ang Tunisia.

Umangat sa 2-1 rekord ang Gilas Pilipinas para palakasin ang tsansa nitong makapasok sa semifinals.

Nagtala si naturalized player Angelo Kouame ng 12 markers, pitong rebounds, limang assists at limang blocks habang sumuporta si  Dwight Ramos na may 11 puntos.

Nagdagdag si SJ Belangel ng 10 points habang nakalikom ng kabuuang pitong puntos si Ravena gayundin si Isaac Go na nagtala ng walong puntos.

Hawak na ng Tunisia ang walong puntos na kalamangan sa fourth quarter, 59-51, subalit hindi agad bumitiw ang Gilas Pilipinas na nagawang maitabla ang laro sa 66-all mula sa umaatikabong three-pointer ni Rey Suerte para dalhin ang laro sa overtime.

Naging matatag ang Pinoy cagers sa extra period kabilang ang krusyal na free throw ni Ravena para tulungan ang Gilas na maitakas ang panalo.

Bagsak sa 1-2 ang Tunisia.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with