^

PSN Palaro

Hotshots kakapit sa liderato vs Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi porke wala pang panalo ang Terrafirma sa dalawang laro ay magkukumpiyansa na ang na­ngungunang Magnolia.

Target ang kanilang ikaapat na sunod na pa­nalo, lalabanan ng Hotshots ang Dyip ngayong alas-12:30 ng tanghali sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City

“Medyo mahirap, marami pang puwedeng mangyari. Hindi kami puwedeng mag-relax,” ani coach Chito Victolero matapos ang 89-79 panalo ng kanyang Magnolia (3-0) sa nagdedepensang Ginebra noong Linggo. “We have an ultimate goal. We will try to find ways on how to prepare hard and how to win.”

Nakalasap naman ang Terrafirma (0-2) ng 94-108 kabiguan sa NLEX (2-2) sa kanilang huling laro.

“This is a big team, a very physical, athletic team. Mahirap silang talunin,” sabi ni Road Warriors’ mentor Yeng Guiao sa Dyip.

Sina Paul Lee, Ian Sangalang, Calvin Abueva at Mark Barroca ang muling babandera sa Hotshots katapat sina No. 1 overall pick Joshua Munzon, Aldrech Ramos, Roosevelt Adams at Rashwan McCarthy ng Dyip.

Sa ikalawang laro sa alas-3 ng hapon ay magtutuos ang TNT (1-0) at Rain or Shine (3-1) kasunod ang bakbakan ng Ginebra (1-2) at NorthPort (1-2).

Umiskor ang Tropang Giga ng 86-79 panalo sa Dyip at nakatikim ang Elasto Painters ng 48-74 pagkatalo sa Alaska Aces (2-2).

Ito naman ang unang pagkakataon na maghaharap ang Gin Kings at Batang Pier matapos ang palitang Christian Standhardinger-Greg Slaughter.

Parehong nagmula sa kabiguan ang Ginebra sa Magnolia, 79-89, at ang NorthPort sa San Miguel, 86-88, sa kani-kanilang huling laro.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with