^

PSN Palaro

Basilan ayaw nang maulit ang karanasan sa Visayas Leg

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matamis na winalis ng Basilan ang eliminasyon upang awtomatikong masungkit ang unang tiket sa finals ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Leg na ginaganap sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Sa kabila ng bitbit na 8-0 rekord sa finals, ayaw pakampante ng Peace Ri­ders upang hindi na maulit pa ang masaklap na nangyari sa kanila sa Visayas Leg ng torneo.

“Yung lessons coming from the Visayas Leg, kahit hindi nangyari sa amin, we can learn from that. Ang goal namin in this long rest is to stay focused and to stay hungry,” ani Peace Riders head coach Jerson Cabiltes.

Kaya naman balik sa training ang Basilan upang masiguro na hindi ito kakalawangin pagdating sa finals.

Nais ng bataan ni Cabiltes na matiyak na handang-handa ang kanilang tropa para hindi na makalusot pa ang kampeonato sa kanilang palad.

“Yung approach namin towards the game, hindi magbabago. Kung ano ‘yung tenacity namin, ganon din ‘yung sa practice like in-game,” ani Cabiltes.

Inaabangan na ng Basilan ang makakasagupa nito sa finals sa ginaganap na quarterfinals at semifinals.

vuukle comment

VISMIN SUPER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with