^

PSN Palaro

Gilas yuko sa Egypt

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumasap ng unang kabiguan ang Gilas Pilipinas matapos yumuko sa Egypt, 73-60, sa pagsisimula ng 10th King Abdullah Cup sa Prince Hamzah Sport Hall sa Amman, Jordan.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si naturalized player Angelo Kouame na may double-double output na 13 points at 11 rebounds habang naglista naman si Isaac Go ng 13 puntos para sa Pinoy squad.

Subalit hindi ito sapat para dalhin ang Gilas Pilipinas sa unang panalo sa naturang pocket tournament.

Sinubukang pumalag ng Gilas Pilipinas sa ikaapat na kanto nang pasabugin nito ang 8-2 bomba para makadikit sa 58-64 sa huling tatlong minuto ng laro.

Agad namang sumagot ang Egypt na kumana ng sariling 8-0 run para kubrahin ang 72-58 kalamangan bago tuluyang isara ang laro.

Nakahatak ang Gilas ng 50-43 bentahe sa reboun­ding department subalit maasim ang shooting nito sa three-point area kung saan apat lamang ang nagawa nito sa 27 pagtatangka.

May 15 turnovers din ang Gilas.

Nakapaglaro na si Dwight Ramos na galing sa groin injury para makalikom ng siyam na puntos, limang rebounds, apat na assists at isang block habang nagdagdag naman ng walong puntos ang balik-Gilas na si Thirdy Ravena.

Nangibabaw para sa Egypt si Amro Mohammad Abd Alhalem na may 14 points at Omar Saeed Arabei na nagdagdag ng 11 markers.

Susubukang makaresbak ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa nito sa Saudi Arabi sa kanilang ikalawang laro.  

vuukle comment

HAMZAH SPORT HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with