^

PSN Palaro

Choco Mucho sumosyo sa No. 1 spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pa ring dungis ang rekord ng Choco Mucho matapos walisin ang Cignal HD sa bendis­yon ng 26-24, 25-12, 25-17 desisyon para sumalo sa tuktok ng standings sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Gaya ng inaasahan, muling naglatag ng matikas na laro si Filipino-Canadian Kat Tolentino na pumalo ng 16 puntos galing sa 14 attacks, isang ace at isang block para buhatin ang Flying Titans sa ikaapat na sunod na panalo.

Dahil sa panalo, uma­ngat ang Choco Mucho sa unahan ng standings kasama ang reigning champion Creamline na may katulad na 4-0 baraha.

“Slowly they’re enjoying it, nagkaroon ng cohesiveness but they have to do it right all time, kailangan pa maging consistent. Habang tumatagal humihirap,” ani Choco Mucho head coach Oliver Almadro.

Malakas ang suporta ni middle blocker Bea De Leon na umiskor ng 11 hits habang may siyam na puntos naman si Ponggay Gaston at tig-lima galing kina Maddie Madayag at Regine Arocha.

Nalaglag naman ang HD Spikers sa 1-4 marka kung saan kailangan nitong maipanalo ang mga nala­labing laro upang mana­t­iling buhay ang kanilang pag-asa sa isa sa apat na semis slots.

Nakakuha ang Cignal ng siyam na puntos mula kay Roselyn Doria habang nalimitahan sa anim na hits si team captain Rachel Anne Daquis.

Malaking pasakit para sa HD Spikers ang 21 errors nito.

Target ng Creamline na muling masolo ang No. 1 spot sa pagharap nito sa mapanganib na BaliPure sa alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng Chery Tiggo at Sta. Lucia Realtors sa alas-3.

 

 

Dinungisan ng Basilan ang Clarin sa bendisyon ng 86-68 demolisyon upang mapanatiling malinis ang rekord nito sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Min­danao Leg na ginaganap sa Pagadian City Gymnasium sa Surigao Del Sur.

Bumandera para sa Basilan si Jay Collado na bumanat ng 15 puntos at limang rebounds samantalang naglista si Hesed Gabo ng double-double na 12 points at 11 assists.

Nagawang maitarak ng Basilan ang 18 puntos na kalamangan, 57-39, sa ikatlong kanto.

Hindi naman agad nawalan ng pag-asa ang Clarin matapos bumira ng sariling 16-5 run kabilang ang tatlong sunod na tres mula kay John Wilson para makadikit sa 55-62.

Subalit muling umariba ang Basilan sa huling kanto para tuluyang makuha ang panalo.

Sumulong ang Basilan sa 7-0 marka habang lag­lag sa 7-1 ang Clarin.

“The boys stepped up. Talagang lahat nag contribute offensively and defensively. Lahat ng mi­nutes nila, vital and lahat nakapag-contribute,” ani Basilan head coach Jerson Cabiltes.

Target ng Basilan na walisin ang elims na magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa finals sa pagharap nito sa Roxas.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with