^

PSN Palaro

Italy ipinagpag ang Germany, Czech Rep. lusot sa Iran

Pilipino Star Ngayon

SAITAMA, Japan - Kumamada si Simone Fontecchio ng 20 points at umiskor si Nicolo Melli ng pito sa game-ending 12-0 atake ng Italy para talunin ang Germany, 92-82, sa pagsisimula ng men’s basketball event ng Tokyo Olympics.

Nagdagdag sina Danilo Gallinari at Stefano Tonut ng tig-18 para sa Italy na nakabawi mula sa 12-point deficit at blinangko ang Germany sa huling 4:45 minuto ng laro.

Tumapos si Melli na may 13 markers kasunod ang 10 points ni Nico Mannion.

Ito ang unang laro ng Italy sa Olympics matapos mabigo sa gold-medal game noong 2004.

Pinamunuan ni Maodo Lo ang Germany sa kanyang 24 points at may 13 at tig-12 points sina Issac Bonga at Mortiz Wagner at Andreas Obst, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, umiskor si Patrik Auda ng 16 points habang may 14 markers si Blake Schilb para tulungan ang Czech Republic na talunin ang Iran, 84-78.

Binanderahan ni Behnam Yakhchali ang Iran sa kanyang game-high 23 points at may 16 at 15 mar­kers sina Mohammad Jamshidi at Hamed Haddadi, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with