^

PSN Palaro

Crossovers humataw agad sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Crossovers humataw agad sa PVL
Dindin Santiago-Manabat
Philippine Superliga/Roman Prospero

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas ang Chery Tiggo nang pulbusin nito ang PLDT Home Fibr, 25-20, 25-17, 25-6, sa pagsisi­mula ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Baccara, Ilocos Norte.

Walang sinayang na sandali ang Crossovers na humarurot agad upang masikwat ang pambuenamanong panalo.

Nagpasiklab sina Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago na siyang nanguna sa opensa ng tropa habang sinabayan ito ng magandang plays ni setter Jasmine Nabor na nagtala ng 16 excellent sets.

Humataw si Santiago-Manabat ng 12 puntos mula sa 10 attacks, isang block at isang ace habang naglista si Santiago ng pitong attacks at apat na aces.

Nagbigay naman ng magandang suporta ang iba pang miyembro ng Crossovers partikular na si middle blocker Joy Dacoron na nagrehistro ng 13 markers tampok ang anim na solidong blocks.

Mainit din sina Arriane Layug at Mylene Paat na may pinagsamang 14 hits para sa Crossovers na nakakuha pa ng 20 libreng puntos mula sa errors ng PLDT.

Nahulog agad sa 0-1 ang Power Hitters.

Walang miyembro ng PLDT ang nakakuha ng double digits kung saan tanging walong puntos lamang ang naitala ni Isa Molde at pito naman galing kay Eli Soyud.

Samantala, hindi nilaro ang laban ng Perlas Spi­kers at Cignal matapos magdesisyon ang local government unit na muling sumailalim sa swab test ang lahat ng miyembro ng Perlas.

Nauna nang nagnega­tibo ang buong Perlas Spi­kers squad noong Huwebes ngunit nais ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc  na masiguro na ligtas ang lahat sa pamamagitan ng isa pang round ng RT-PCR test.

Ililipat sa ibang petsa ang Perlas-Cignal game.

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with