^

PSN Palaro

Velasco reyna rin sa road race

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinolekta ni Kate Yasmin Velasco ng Philippine Navy-Standard Insurance ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa PhilCycling National Trials for Road sa Clark Freeport Zone sa Pampanga noong Linggo.

Nagposte si Velasco ng tiyempong 2:15:17.62 para pamunuan ang labanan sa 80.70-kilometer women’s road race na sinimulan at tinapos sa Clark Parade Grounds.

“We dream, we practiced, we won,” wika ni Velasco na nauna nang pinagreynahan ang wo­mens’ individual time trial (ITT) sa Day One ng national trials na inorganisa ng PhilCycling na pinamumunuan ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Iniwanan ng 21-anyos na tubong Floridablanca, Pampanga sa finish line sina Avegail Rombaon (2:15:18.01) at Mathilda Krog (2:15:19.75).

Humataw si Rombaon sa huling 50 metro para talunin si Krog at tumapos sa ikalawang puwesto.

Samantala, dinomina naman ni Navyman Ronald Oranza ang men’s road race matapos magsumite ng 3:18:25.80 para  angkinin ang 147.6km race.

Inungusan ng tubong Villasis, Pangasi­nan sina George Oconer (3:18:32.15) at Ronald Lomotos (3:18:35.23).

“Sana ito na ang start ng pagbabalik ng cycling sa ating bansa,” sabi ng 28-anyos na si Oranza.

vuukle comment

CYCLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with