PhilCycling Road Trials lalarga na
MANILA, Philippines — Sisimulan ngayon ng PhilCycling ang pagpili sa mga riders na kakatawan sa bansa sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Pakakawalan ang PhilCycling National Trials for Road sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga kung saan kabuuang 111 siklista (98 lalaki at 13 babae) ang mag-aagawan sa national team spot.
Bibitawan ngayon ang women’s 17.1-km individual time trial (ITT) sa alas-8:30 ng umaga kasunod ang men’s 24.6-km ITT at ang men’s at women’s criterium sa Clark Parade Grounds.
Kinabukasan ay papadyak ang road races sa isang out-and-back course na 98.40 kms para sa babae at 147.60 kms para sa lalaki.
Ang two-day national trials ay inihahandog ng Standard Insurance, Smart, MVP Sports Foundation, BCDA, CDC, Go for Gold, Chooks-to-Go, GAC Motor, Gatorade, Versa, 7-Eleven, Le Tour de Filipinas, 7-Eleven, UBE Express Inc., Powerade, Wilkins, Coca-Cola, Shimano, Bike-X at MadCrank.
- Latest