^

PSN Palaro

SBP, PBA solido ang samahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Tuloy ang magandang samahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) para mas lalong mapaganda ang basketball program sa Pilipinas.

Nagpasya ang SBP na maglabas ng statement matapos kumalat ang malisyosong post sa social media.

Nilinaw ng SBP na nana­natiling solido ang relasyon ng asosasyon at PBA na isa sa pangunahing katuwang ng SBP sa pagbuo ng malakas na national team sa mga international tournaments.

“The SBP has always valued our partnership with the PBA and we will continue to work with them for the good of Philippine basketball,” ayon sa SBP.

Lumutang ang isang Gilas Pilipinas Facebook page na binanatan ang PBA at ilang PBA players.

Ayon sa post, dahil sa magandang ipinapakita ng bagitong Gilas Pilipinas squad sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga, hindi na kailangan pa ng SBP ang PBA.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas is not in any way related to the Gilas Pilipinas Facebook account that made a malicious post against the PBA and PBA players,” paglilinaw ng SBP.

Pinag-aaralan na ng SBP ang pagsasampa ng kaso sa sinumang nagmamay-ari ng naturang Gilas Pilipinas Facebook account.

“The SBP is already looking at our legal options on this matter,” ayon pa sa SBP.

Nais ng SBP na ma­ging magandang inspirasyon ang magandang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers upang magkaisa ang lahat ng basketball stakeholders sa bansa.

vuukle comment

PBA

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with