^

PSN Palaro

PBA tiwala sa July opening

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Optimistiko si PBA commissioner Willie Marcial na masisimulan na sa susunod na buwan ang PBA Season 46 Philippine Cup matapos itong makailang ulit na maudlot.

Umaasa ang liga na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa NCR plus bubble upang mas maging maluwag na ang quarantine restrictions.

Kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) with restrictions pa ang NCR plus bubble kaya’t ipinagbabawal pa ang anumang uri ng training at scrimmages.

Kaya naman tuloy lang ang ensayo ng mga PBA teams sa labas ng NCR plus bubble gaya ng training venues sa Ilocos, Norte, Batangas at Pampanga.

“More than one month nang nagpa-practice ang mga teams and halos perfect yung semi-bubble natin. Maganda na nadi-disiplina ang mga teams at yung mga players nadi-disiplina nila yung mga sarili nila,” ani Marcial.

Sa oras na bumalik sa GCQ ang NCR plus bubble, maaari nang makapag-ensayo ang PBA teams sa Metro Manila at kalapit probinsiya.

Kailangan na lamang ng sulat sa MMDA para payagan ang ensayo.

vuukle comment

PBA

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with