National archers tatarget ng Olympic ticket
MANILA, Philippines — Pipilitin ng Philippine national archery team na makapana ng tiket sa 2021 Olympic Games sa kanilang pagsabak sa pinakahuling qualification tournament sa Paris, France.
Pupuntirya ng Olympic spot sina national archers Riley Silos, Jason Feliciano, Carson Hastie, Pia Elizabeth at Monica Gabrielle Bidaure at Phoebe Nicole Amistoso sa World Archery Cup na magsisimula ngayon at matatapos sa Hunyo 21.
Umaasa ang World Archery Philippines (WAP) na makakakuha sila ng isa hanggang tatlong silya para sa 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.
Huling nakapaglahok ang bansa ng national archers sa Olympics noong 2012 edition sa London sa katauhan nina Mark Javier at Rachelle Anne Cabral.
- Latest