Complicated
Saan kaya hahantong ang kaso ni Kiefer Ravena?
Parang status sa Facebook.
Complicated.
Pumirma kasi siya ng contract para maglaro sa Shiga Lakestars sa Japan B. League kung saan naglalaro rin ang batang kapatid niya na si Thirdy sa San-en NeoPhoenix.
Kaso, buhay pa ang contract niya sa NLEX Road Warriors sa PBA.
Alam naman natin lahat na bawal ito.
At kung sakali man na may usapan na sila ng NLEX, kagaya ng contract buy-out, may gusot pa rin siya sa PBA.
Meron kasing Uniform Players Contract (UPC) na pinipirmahan ang players at ang PBA. Baka may violations or breach of contract.
Ewan ko bakit hindi inayos ng husto ni Kiefer ang paglipat niya sa Japan B.League.
Oo, labas tayo sa decision lalu na kung economics ang pag-uusapan. Sigurado kasi na doble o triple ang kikitahin niya sa Japan.
Sarili niyang decision yan.
Ang sana lang, maayos at malinis.
Ewan natin ano ang kalalabasan nitong episode na ito.
- Latest