^

PSN Palaro

Bolts unang sasalang sa ensayo- Marcial

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bolts unang sasalang sa ensayo- Marcial
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, tapos na ang unang swab test ng buong team ng Bolts.
PBA image

Pwede na sa Mayo 15

MANILA, Philippines — Posibleng Meralco Bolts ang unang lumarga sa training at scrimmages sa oras na makumpleto na ang lahat ng requirements para sa pagbabalik-ensayo ng PBA teams.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, tapos na ang unang swab test ng buong team ng Bolts.

Kailangan na lamang nitong sumailalim sa ikalawang swab test dalawang araw bago pormal na magsimula ang training.

Isa sa requirement ang pagkakaroon ng dala­wang swab test bago mag-umpisa ang training camp gayundin ang regular swab test sa buong panahon ng ensayo.

Nakikita ni Marcial na sa Mayo 15 ay  maaari nang makapagsimula ng ensayo ang Bolts.

“Naunang nagpa-test ang Meralco. Pwede na silang magsimula ng ensayo by May 15,” ani Marcial.

Gaganapin ang 10-day training camp ng Meralco sa Laoag, Ilocos Norte.

Sumailalim na rin sa swab test ang NLEX Road Warriors, Blackwater at Rain or Shine noong Martes habang nakalinya rin ang iba pang teams kahapon at ngayong araw.

Maliban sa Meralco, target din ng Talk ’N Text Tropang Giga na sa Ilocos Norte isagawa ang training camp nito.

Plano naman ng Blackwater, Phoenix at Alaska na magdaos ng ensayo sa Batangas City na magtatampok ng tatlong venues — ang Batangas State University, Batangas Coliseum at Lyceum of the Philippines-Batangas gymnasium.

Bukod sa Ilocos Norte at Batangas, ang iba pang training venues na gagamitin ng PBA teams ay ang Clark at Subic.

Nauna nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang training at scrimmages ng PBA teams.

Ngunit kailangang ganapin ito sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) o Modified General Community Quarantine (MGCQ).

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with