^

PSN Palaro

PBA Philippine Cup sa batangas na rin?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA Philippine Cup sa batangas na rin?
Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na nakatakdang maki-pagpulong sa local government unit (LGU)ng Batangas City bukas kasama ang ilang miyembro ng PBA board.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kung magiging maa-yos ang lahat, posibleng ang Batangas City na rin ang mag-host sa PBA Season 46 Philippine Cup.

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na nakatakdang maki-pagpulong sa local government unit (LGU)ng Batangas City bukas kasama ang ilang miyembro ng PBA board.

Ayon kay Marcial, paplantsahin muna nito ang pagdaraos ng training camp ng mga teams sa Batangas City kung saan gagamitin ang Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym.

Kabilang sa mga tatalakayin ang protocols gayundin ang seguridad ng mga players, coaches at officials na magdaraos ng training doon.

“Pupunta kami (sa Batangas) para mapag-usapan ang protocols at  security. Practice venue pa lang itong Batangas City. Ti-tingnan namin, kakausapin namin sa Friday kung ano ang sitwasyon,” ani Marcial sa programang The Game.

Magbabantay ang PBA sa oras na masimulan ang scrimmages ng mga teams sa dalawang naturang venue.

Kung walang magi-ging aberya, malaki ang posibilidad na ikunsidera ito para maging venue ng season opening conference ng liga.

“Kung successful naman, pinapayagan tayo ng Task Force na mag-scrimmages doon, tatanungin natin baka puwede ring maglaro ng season or ng conference kahit isang conference or one or two months,” ani Marcial.

Nilinaw din ni Marcial na may sariling desisyon ang mga PBA teams kung saan nila nais mag-training bukod sa Batangas. Ang ibang team ay planong magbalik-ensayo sa Laoag, Subic at Pampanga.

Kailangan lamang ng mga teams na makakuha ng clearance mula sa Joint Administrative Order (JAO) group na binubuo ng Games and Amusements Board, Philippine Sports Commission at Department of Health.

“Kung sino lang ang may gusto sa Batangas. Basta mayroon silang JAO at LGU na pinapayagan sila at makita namin ‘yung protocols nila. ‘Pag okay na ang requirements, puwede na sila mag-practice,” ani Marcial.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with