^

PSN Palaro

‘Di pa rin kumukupas si taekwondo jin John Paul Lizardo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
�Di pa rin kumukupas si taekwondo jin John Paul Lizardo
John Paul Lizardo
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kinakaharap na pandem-ya ay patuloy na ibinabahagi ni dating national taekwondo jin John Paul Lizardo ang kanyang skills sa mga batang gustong sumunod sa kanyang mga yapak.

Ginagamit ni “Japoy” ang online platforms sa ilalim ng Milo Sports programs para magbigay ng kaalaman at inspirasyon sa mga bata.

“Milo Sports program has been a real-ly good help in my champion journey,” ani Lizardo, isa sa hinirang ng Milo bilang mga “Champion Ambassadors” kasama sina gymnast Carlos Edriel Yulo, volleyball star Alyssa Valdez at dating PBA guard Chris Tiu. “It helped developed my skills and not just that, it instilled discipline in me, helped me build champion habits and learned many values that I am still able to use now,” Lizardo na napangasawa ang dating taekwondo world champion na si  Janice Lagman.

Isinasabuhay ni Lizardo ang virtual sporting campaign ng Milo na “Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panahon, Tuloy ang Pagiging Champion”.

Basketball ang unang kinahiligan ng 34-an-yos ngayong si Lizardo ngunit nang mawala ang Milo-Best Center sa kanyang eskuwelahan noon, nagka-interes ito sa taekwondo. Nag-enroll si Lizardo sa Milo summer clinics kung saan nahulma ang kanyang talento sa taekwondo at nahasa sa pamamagitan ng mga developmental tournaments ng Milo Sports. Sa edad na 18-anyos ay naging miyembro siya ng national team at nakakuha ng silver medal sa men’s finweight category ng Asian Junior Taekwondo Championships nong 2001 sa Brunei. Sumipa rin siya ng dalawang silvers at isang bronze sa senior division ng Asian Taekwondo Championships at sumabak sa World Championships noong 2007 at 2009. Kumolekta ng dalawang ginto ni Lizardo noong 2005 Manila at 2011 Indonesia Southeast Asian Games.

Naniniwala si Lizardo na malalampasan ng mga bata ang kinakaharap na pandemya para muling makapasok sa mga sports venues at maipagpatuloy ang pagpapalakas sa kanilang mga katawan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with