^

PSN Palaro

5-teams sa Batangas 2 naman sa Ilocos

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
5-teams sa Batangas 2 naman sa Ilocos
PBA commissioner Willie Marcial
PBA Media Bureau, file

MANILA, Philippines — Pitong teams ang nagpahayag ng interes na isagawa ang training camp sa Batangas habang da-lawa naman ang gustong magsanay sa Laoag City.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, nangunguna sa listahan ng mga teams na gustong magsanay sa Batangas ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra.

Nauna nang iniha-yag ni San Miguel Corp. sports director at Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua na mas nanaisin nito ang Batangas dahil mas malapit ito sa Maynila.

Hindi naman pina-ngalanan ang iba pang teams na gustong mag-ensayo sa Batangas.

Gagamiting venue ang Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym.

Sa kabilang banda, dalawang teams naman ang gustong kagatin ang imbitasyon ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc na magkaroon ng training camp sa Laoag.

Hindi na bago ang Laoag sa PBA dahil nagsilbi na rin itong host ng PBA All-Star Week ng ilang edisyon.

Isa ang Ilocos sa mga nagpahayag kamakailan ng intensyong maging host ng PBA Season 46 Philippine Cup bubble.

Bago magsimula sa ensayo, hihintayin pa ng PBA ang approval ng Joint Administrative Order (JAO) na nirerebisa ng Games and Amusements Board, Philippine Sports Commission at Department of Health.

Nakasalalay sa JAO ang magiging health protocols sa team trainings.

“Chairman Baham (Mitra) said he will review the protocols and guidelines for each of the different quarantine levels,” ani Marcial.

Kasalukuyang nasa General Community Qua-rantine (GCQ) ang Batangas habang Modified Ge-neral Community Qurantine (MGCQ) naman ang Ilocos dahil sa mababang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga probinsiyang ito.

Tiwala si Marcial na masisimulan na ang ensayo sa kalagitnaan ng Mayo para sa planong pagbubukas sa huling bahagi ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.  

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with