^

PSN Palaro

PBA pinayagan sa Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA pinayagan sa Batangas
PBA commissioner Willie Marcial
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuloy na ang pagdaraos ng ensayo ng mga mga PBA teams sa Batangas matapos aprubahan ng local government unit ang kahilingan nito.

Inihayag kahapon ni PBA commissioner Willie Marcial ang pagpayag ng Batangas City sa pakiki-pagtulungan kina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvin Mariño. “Mayor Dimacuha and Congressman Marino agreed to host the practices of our teams,” aniya.

Nakatakdang magtu-ngo ang mga kinatawan ng PBA sa Batangas upang plantsahin ang lahat ng kailangan para agad na masimulan ang ensayo.

Kabilang sa mga tatalakayin ay ang mga health protocols na kailangang sundin sa pagdaraos ng training camp doon.

“On Friday, I will bring my team to meet with their team (Dimacuha at Marino) to talk about the protocols we need to follow. I also talked to GAB (Games and Amusements Board) chairman Baham Mitra, and he’s very supportive about this,” ani Marcial.

Gagamitin ang mga pasilidad ng Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym bilang training venues.

Inaasahang agad na masisimulan ang ensayo ng mga teams sa kalagitnaan ng Mayo.

Magdaraos ng training camp ang PBA teams sa ilalim ng Joint Admi-nistrative Order (JAO) na binuo ng Department of Health (DOH), Games and Amusements Board (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC).

Sa JAO nakapaloob ang mga panuntunan sa training ng pro teams at idaragdag lamang dito ang iba pang patakaran na ipatutupad ng LGU ng Batangas.

Habang inaayos ang pagbabalik-ensayo ng mga teams, ikinakasa na rin ng pamunuan ng PBA ang bagong game plan matapos mabulilyaso ang sana’y opening ng season noong Abril 18 dahil sa ipinatutupad na community quarantine sa bansa.

Panibagong adjustments na naman ang ginagawa ng liga para sa Season 46 Philippine Cup kung saan umaasa si Marcial na masimulan ito sa susunod na buwan.

Nakaabang pa ang buong PBA community sa go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Habang naghihintay ng approval ng gobyerno, pinaplantsa na ng PBA ang mga pagbabago partikular na sa kabuuang schedule ng season. Desidido ang PBA na mairaos ang dalawang kumperensiya.

Dahil sa late opening, malaki ang magiging pagbabago sa time frame ng Philippine Cup at Governors’ Cup.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with