PVL magbibigay-daan sa national team
MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games.
Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na gaganapin sa Nobyembre.
“We feel that there will be one tournament this year basically because of the Southeast Asian Games being in November. We won’t have time for a second conference,” ani Palou.
Maliban sa SEA Games preparations, isa pang pangunahing problema sa pagdaraos ng Reinforced Conference ang travel restrictions.
Ang Reinforced Conference ang import-flavor conference ng liga kung saan pinapayagan ang bawat koponan na humugot ng dalawang foreign imports.
Tiniyak naman ni Palou na ibabalik ang Reinforced Conference sa susunod na taon sa oras na ma-ging maayos na ang lahat partikular na sa travel res-trictions ng bansa.
Tanging Open Conference lamang ang idaraos sa taong ito na puntiryang masimulan sa Hunyo o Hulyo sa isang bubble setup.
Pinagpipilian ang Ins-pire Sports Academy sa Calamba, Laguna at ang iba pang pasilidad na pupuwede sa Subic.
“We are still figuring out the cost since we are now looking at either Inspire Sports Academy, Subic, or other areas. We are still comparing the cost of the venues,” ani Palou.
Papasok din sa bubble ang national team para magkaroon ang tropa ng practice game laban sa mga PVL teams.
Maglalaro ang 12 teams sa isang single round-robin format kung saan tatlong game kada araw ang isasalang.
Tatakbo ang torneo sa loob lamang ng pito hanggang walong linggo para mas makatipid ang liga sa gastusin.
“We are having three games a day just to cut the tournament a little bit shorter,” ani Palou.
- Latest