^

PSN Palaro

Pacquiao No. 3 sa Top Richest boxers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao No. 3 sa Top Richest boxers
Manny Pacquaio
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nananatiling maningning ang pangalan ni Manny Pacquiao na kasama sa Top 10 Richest Boxers of 2021 ng pamosong The Richest.

Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot kung saan mayroon itong $220 million net worth o katumbas ng tumataginting na P10 bilyon.

Nangunguna si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. na may $450 million net worth habang kabuntot nito sa No. 2 spot si George Foreman na humakot ng $300 million sa kanyang boxing career.

Nasa No. 4 si Oscar Dela Hoya na may $200 million habang ikalima naman si Lenox Lewis na may $140 million.

Pasok din sa Top 10 sina No. 6 Sugar Ray Leonard ($120 million), No. 7 Vitali Klitschko ($80 million), No. 8 Anthony Joshua ($60 million), No. 9 Tyson Fury ($30 million) at No. 10 Anthony Mundine ($30 million).

Tunay na humahakot ng limpak-limpak si Pacquiao sa kanyang mga blockbuster fights kung saan maliban sa fight purse, nakakakuha pa ito ng karagdagang kita mula sa pay-per-views.

Patok sa boxing fans ang lahat ng laban ni Pacquiao dahilan upang maging pangunahing target ito ng mga boksingero dahil sa taglay nitong karisma at popularidad sa mundo ng boxing.

Milyones din ang kinikita ni Pacquiao sa kanyang mga product endorsement lalo na sa mga sports apparels.

Ngunit hindi pa tapos ang boxing career ni Pacquiao at inaasahang madaragdagan pa ang kikitain nito sa oras na maikasa ang susunod niyang laban na inaaasahang muling tatabo sa takilya.

Ang The Richest ay isang organisasyon na nakatutok sa business, expensive lifestyle, sports, national wealth at luxury ng mga personalidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with