^

PSN Palaro

Payo ni Kobe Paras sa kabataan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May payo si Kobe Paras sa mga kabataang dumaranas ng depresyon sa kanilang buhay.

Aminado ang dating University of the Philippines standout na dumaan din ito sa ilang pagsubok partikular na noong bumalik ito sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa Amerika.

May pagkakataon na nasa pinakamababang punto pa ito ng kanyang buhay na minsan ay naiisip nito ang ilang hindi magandang bagay. “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal, I just felt so lost,”

Subalit masaya si Paras na nalampasan niya ito sa tulong ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at ng mismong kanyang sarili.

“Until now there are days I don’t feel like me. Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all. Only you can save yourself,” ani Paras hawak na ngayon ng East West Private, ang parehong grupo ni Australia-bound Kai Sotto.

Sa kasalukuyan, nagsasanay si Paras sa Amerika upang ipagpatuloy ang kanyang basketball career.

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with