^

PSN Palaro

Kobe Paras simula na ang training

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kobe Paras simula na ang training
Kasalukuyang nasa puspusang training si Paras sa The Smith League sa Cincinnati, Ohio para mas lalong mapataas ang basketball skills nito.
Philstar.com File

MANILA, Philippines — Matapos sumama sa East West Private (EWP), walang sinayang na sandali si Kobe Paras na agad na sumalang sa matinding training camp sa Amerika.

Kasalukuyang nasa puspusang training si Paras sa The Smith League sa Cincinnati, Ohio para mas lalong mapataas ang basketball skills nito.

“Late night runs,” ayon sa Instagram story ni Paras na kasama sa training camp ang kapwa Pinoy na si Cholo Anonuevo.

Ginagabayan ang da-lawang mahusay na Pinoy cagers ng mga beteranong coaches at trainers.

“Another dope session last night,” nakalagay naman sa post ng The Smith League sa kanilang sariling Instagram account.

Matatandaang tuluyan nang tinuldukan ni Paras ang paglalaro sa UAAP kasama ang University of the Philippines upang maging bahagi ng EWP.

Ang EWP ang parehong grupo na humahawak sa basketball career ni Kai Sotto.

Ito rin ang magsisilbing daan ni Paras upang makahanap ng mga teams na maaari nitong paglaruan gaya ng ginawa ng EWP kay Sotto.

Sa pamamagitan ng EWP, pumirma ng tatlong taong kontrata si Sotto sa Adelaide 36ers na nagla-laro sa National Basketball League sa Australia.

Hindi naman na bago si Paras sa mga training camps sa Amerika.

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with