^

PSN Palaro

Bagnet at Pinakbet

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Atat na atat na ang mga fans na makabalik ang PBA games.

Sabi nga ni commissioner Willie Marcial kahapon, nakakatanggap siya ng tawag mula sa fans.

Hindi niya alam kung saan at paano nakuha ng fans ang celfone number niya.

Natural, binigyan ni Kume ng assurance ang fans.

“Konting pasensya na lang po,” ang hiling niya sa fans na sabik na makita ang mga idols nila.

Marami kasi ang nagtatataka kung bakit ang VisMin Super Cup ay nakakapaglaro samantalang ang PBA ay hindi.

Sa Cebu kasi nilalaro ang Super Cup kung saan mas maluwag ang sitwasyon.

Sa Metro Manila kasi at mga karatig na Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan, mas mahigpit na MECQ ang nakalatag.

No play, no practice.

Noong April 18 sana ang opening ng Season 46 pero dahil nga dito, natigil lahat ng plano.

At kung magtagal ang ganitong sitwasyon, mukhang sa bubble ulit ang bagsak ng PBA.

Nag-volunteer na ang Ilocos Norte na mag-host ng bubble. Hindi ito imposibleng mangyari.

Puwede rin.

Masarap ang bagnet at pinakbet dun.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with