^

PSN Palaro

Swab test results na lang ang hinihintay para simulan ang tryout

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaabang na ang lahat sa resulta ng swab test ng mga players na sasabak sa national volleyball team tryout na magsisimula bukas sa Subic.

Tapos na ang swab testing sa mga inimbita-hang players sa women’s division noong Lunes habang sumailalim naman sa parehong proseso ang mga kasama sa listahan sa men’s division kahapon.

Gaganapin naman ngayong araw ang swab testing ng mga magta-tryout sa beach volleyball.

Maliban sa players, kasama ring sasailalim sa swab test ang lahat ng coaches, officials at staff na magiging bahagi ng tryout.

Kaya naman nakaabang na ang lahat sa magiging resulta ng test bago tuluyang masimulan ang tryout.

Numero unong prayoridad ng Philippine National Volleyball Federation ang kaligtasan ng lahat kaya’t nagpatupad ito ng ma-tinding health protocols.

Una na rito ang swab test na isa sa panguna-hing requirement ng Inter-Agency Task Force (IATF)para pahintulutang maitaguyod ang tryout.

Maliban sa swab test, kailangan din ang matindinding patakaran sa mga pasilidad na gagamitin gaya ng disinfection sa venue at mga kagamitan.

Regular din ang pagcheck sa temperatura ng bawat isa kung saan may thermal scanner na daraa-nan bago pumasok.

vuukle comment

SUBIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with