^

PSN Palaro

Jaja Santiago sabik nang lumaro uli sa national team

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sabik na si Jaja Santiago muling magsuot ng national team jersey sa isang international tournament.

Kaya naman excited na rin ito para sa bubuuing team para sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Kabilang si Santiago sa 40 players na inimbitahan ng Philippine National Volleyball Federation para sumalang sa tryout.

Magsisimula ang three-day volleyball tryout sa Abril 28 at 29 para sa indoor volleyball habang sa final day naman sa Abril 30 ang para sa beach volleyball. Hindi nakapaglaro si Santiago noong 2019 SEA Games dahil sa conflict sa schedule nito sa Japan V.League kung saan naglalaro ito para sa Saitama Ageo Medics.

At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ni Santiago na muling makapasok sa national team para sa SEA Games.

“Sobrang excited na ako dahil halos lahat naman ng volleyball players gustong maging member ng national team. Masarap sa feeling na dala mo ‘yung bandera ng Pilipinas,” ani Santiago.

Galing si Santiago sa matamis na kampeonato sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics.

Umaasa si Santiago na madadala nito ang magandang karanasang natutunan nito sa Japan upang maibahagi sa kanyang mga katropa sa national team.

“Gusto kong mai-share sa kanila ‘yung mga natutunan ko sa Japan. Iba ang training sa Japan kaya magandang maibahagi ko ito sa team natin,” ani Santiago.

Hangad ng Pilipinas na makabalik sa podium sa women’s division matapos mabigong makakuha ng medalya noong 2019 edisyon.

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with