^

PSN Palaro

PBA kailangan nang magdesisyon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA kailangan nang magdesisyon
Willie Marcial
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dedesisyunan ng Philippine Basketball Association (PBA) board sa susunod na linggo kung ano ang gagawin sa PBA Season 46 Philippine Cup.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, magpupulong ang lahat ng board of governors kasama ang iba pang opisyales ng liga para plantsahin ang lahat.

Orihinal sanang bubuksan ang liga sa Abril 18 sa Antipolo City sa Rizal subalit hindi na ito matutuloy matapos ibalik sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus bubble.

Ibinaba sa Modified ECQ (MECQ) ang NCR plus subalit hindi pa rin maaaring makapag-ensayo ang mga teams na nasa ilalim ng panuntunang ito.

Base sa patakaran ng Inter-Agency Task Force, tanging sa MGCQ areas lamang ang pinahihintulutang makapagdaos ng torneo na nakalinya sa Joint Administrative Order (JAO) na binuo ng DOH, PSC at GAB.

Ang Pampanga na siyang sumasakop sa Clark bubble ay kasalukuyang nasa MGCQ dahil sa mababang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Kaya naman ilalatag ng liga ang lahat ng posibleng gawin para matagumpay na mairaos ang PBA Season 46 Philippine Cup.

Kabilang sa pag-uusapan ang pinansiyal na aspeto dahi magugunitang gumastos ng halos P70 milyon ang liga sa Clark bubble para sa PBA Season 45 Philippine Cup noong nakaraang taon.

Nauna nang inihayag ni Marcial na wala nang balak na bumalik sa bubble setup ang liga dahil sa malaking gastusing kakailanganin dito gayundin ang malaking epekto nito sa mental health ng mga players, coaches at officials.

Subalit walang magagawa si Marcial kung ito na lamang ang bukod-tanging paraan para mairaos ang 2021 season.

“We’re not leaning on that. Holding a full bubble is our last option. What’s hard about holding a full-bubble, apart from the financial aspect, is our mental health. Imagine being holed up in a hotel for four months,” ani Marcial.

Mananatili ang MECQ sa NCR plus bubble hanggang sa Abril 30.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with