^

PSN Palaro

Olympic slot naka-ready na para kay Hidilyn

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Olympic slot naka-ready na para kay Hidilyn
Hidilyn Diaz
STAR/ File

Sa pagdating sa Tashkent

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang red carpet para kay Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa Asian Weightlifting Championship na idaraos sa Abril 16 hanggang 25 sa Tashkent, Uzbekistan.

Sa oras na tumuntong ito sa competition venue ng Asian meet, awtomatikong makukuha ni Diaz ang tiket nito sa Tokyo Olympics dahil nakumpleto na nito ang anim na tournaments na dapat nitong lahukan bilang requirement.

Kaya naman excited na si Diaz na magtungo sa Tashkent upang maipormalisa ang kanyang pagpasok sa Tokyo Games na idaraos sa Hulyo.

“Excited na ako dahil matagal ko rin itong hinintay,” ani Diaz.

Sa oras na makumpirma ang pangalan ni Diaz sa opisyal na listahan ng nagkwalipika, aakyat na sa pitong Pinoy athletes ang opisyal na masisilayan sa Tokyo Olympics.

Makakasama ni Diaz sina boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Irish Magno gayundin si gymnast Carlos Yulo, at pole vaulter Ernest John Obiena.

Kasalukuyang nagsasanay si Diaz sa Malaysia para sa Tokyo Olympics.

Matapos ang Asian Championship, inaasa­hang babalik ito sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang training camp.

Ito na ang huling Olympics ni Diaz at umaasa ito na magiging mas maningning ang kanyang kampanya ng higit pa sa kanyang nagawa noong 2016 Rio Olympics.

“Last Olympics ko na ito kaya gusto kong ilabas na ang lahat ng kaya ko. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tumutulong sa akin lalo na sa training ko,” ani Diaz.

Kabilang sa mga katuwang ni Diaz sa training sina strength and conditioning coach Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro, sports psychologist Dr. Karen Trinidad at Chinese weightlifting coach Kaiwen Gao. 

vuukle comment

ASIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with