^

PSN Palaro

Eala hinataw ang unang panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang araw matapos tumaas ang kanyang ranggo sa Women’s Tennis Association (WTA) ay pinatalsik ni Pinay tennis phenom Alex Eala si Margot Yerolymos, 7-6, 6-2, ng France para sa kanyang kauna-unahang panalo sa isang W60 tournament sa Bellinzona, Switzerland.

Mula sa pagiging WTA No. 737 ay umakyat si Eala, iskolar ng Rafael Nadal Academy, sa kanyang career-best No. 715.

“Tough play today with windy conditions but happy to have won my first W60 match here in Bellinzona, Switzerland,” wika ni Eala sa kanyang Facebook post matapos ang laro.

Makaraang magtabla sa 6-6 sa first set ay dalawang puntos ang inangkin ng 15-anyos na si Eala para itakas ang 7-6 panalo sa 23-anyos na si Yerolymos.

Sa second set ay ganap nang lumabas ang laro ni Eala para tuluyan nang sibakin ang WTA No. 323 na si Yerolymos at umabante sa second round.

Lalabanan ni Eala si Laura-Iona Paar ng Romania na nakakuha ng bye sa first round.

Pinahiya na ng Pinay netter si Paar, 6-3, 4-6, 6-4, sa W25 Grenoble tourney.

vuukle comment

WTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with