^

PSN Palaro

Pusong Pinoy mas umiral kay Jaja

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pusong Pinoy mas umiral kay Jaja
Jaja Santiago

Naturalization sa Japan tinanggihan

MANILA, Philippines — Walang balak si Jaja Santiago na kagatin ang offer na maging Japanese citizen upang maging regular local player sa Japan V.League.

Isiniwalat ni Santiago na may offer ang kanyang Japanese club na Saitama Ageo Medics na gawin itong local player.

Magandang oportunidad ito para sa 6-foot-5 middle blocker dahil iba ang programa ng Japan sa volleyball.

Malakas din ang tsansa nitong makapaglaro sa Olympic Games bitbit ang Japanese flag.

Subalit nananatili ang pagiging pusong Pinoy ni Santiago kaya’t tinanggihan nito ang offer.

“Kalagitnaan pa lang ng liga, gusto na nila akong mag-stay. Gusto nilang palitan yung nationality ko actually. Gusto nila akong mag-stay pa dun at tulu­ngan palitan yung natio­nality ko,” ani Santiago sa Volleyball DNA.

Aminado si Santiago na minsan lang dumating ang ganitong mga oportunidad.

Ngunit mas nanaisin nitong makapaglaro sa Olympic Games kasama ang mga kapwa Pilipino dala ang bandera ng Pilipinas.

“May dream akong ma­kapaglaro sa Olympics pero siyempre may pride pa rin naman ako bilang Pi­lipino. Gusto kong tulungan yung bansa natin na dun sa goal ko na ‘yun, gusto ko kasama yung kapwa Pilipino ko,” ani Santiago.

Minsan na ring sumagi sa isipan nito ang mga po­sibilidad na tanggapin ang offer subalit sa ngayon, mananatili itong Pili­pino.“Kung wala tala­gang chance, why not? Pero it’s on the back of my mind na puwede ako magpalit ng natio­nality,” aniya.  

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with