^

PSN Palaro

Big fights next target ni Nietes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakasentro na ang a­tensiyon ni Donnie Nietes sa mas malalaking laban matapos ang kanyang impresibong comeback win.

Nasa palad na ni N­ietes ang World Boxing Organization (WBO) International super flyweight belt na napagwagian kontra kay Galing Colombian pug Pablo Carrillo noong Linggo sa Dubai, United Arab Emirates.

Ngunit simula pa lamang ito ng pagbabalik ni Nietes.

Mas lalo itong naging uhaw na muling dalhin sa tuktok ng tagumpay ang kanyang pangalan.

At puntirya nitong ma­kaharap ang ilang mala­la­king boksingero para maibalik ng husto ang kanyang ningning at patuna­yang may ibubuga pa ito.

Inihayag ni Nietes na may ilang offers na itong natanggap ngunit hindi muna nito isiniwalat kung sino ang posibleng makaharap  sa kanyang susunod na laban.

Kabilang sa mga na­banggit na boksingero sina Chocolatito Roman Gonzalez, Juan Francisco Estrada at Sor Rungvisai.

“May mga offers akong natanggap kaya talagang bumalik ako (sa boxing),” ani Nietes.

Dating world champion si Gonzalez na hawak ang World Boxing Association (WBA) super flyweight title habang si Estrada ang kasalukuyang World Bo­xing Council (WBC) at WBA super flyweight king.

Sa kabilang banda, si Rungvisai ay dati ring world champion kung saan nahawakan nito ang WBC super flyweight noong 2019.  

vuukle comment

BOXING

DONNIE NIETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with