Jazz umukit ng NBA record sa 3s
Sa pagpapatumba sa magic
SALT LAKE CITY — Tumipa si star guard Donovan Mitchell ng 22 points at nagtala ang Utah Jazz ng NBA record na 18 three-pointers sa first half para sa kanilang 137-91 pagdomina sa Orlando Magic.
Nagdagdag sina Joe Ingles at Bojan Bogdanovic ng tig-17 para sa Jazz (38-11).
Binanderahan ni Wendell Carter Jr. ang Magic (17-32) sa kanyang 19 points at 12 rebounds habang may 16 markers si Chuma Okeke.
Sa Philadelphia, humakot si center Joel Embiid ng 24 points at 8 rebounds at may 32 markers si Tobias Harris para imando ang 76ers (34-15) sa 122-113 pagpulutan sa Minnesota Timberwolves (12-38).
Sa Sacramento, humataw si Jrue Holiday ng season-high 33 points bukod sa 11 assists at 7 rebounds para igiya ang Giannis Antetokounmpo-less Milwaukee Bucks (32-17) sa 129-128 paglusot sa Kings (22-28).
Sa Portland, nagtala si CJ McCollum ng 20 points para pamunuan ang walong Trail Blazers (30-19) sa double figures sa kanilang 133-85 pagmasaker sa Oklahoma City Thunder (20-29).
Sa Washington, naglista si Luka Doncic ng 26 points at inangkin ng Dallas Mavericks (27-21) ang 109-87 tagumpay sa Wizards (17-31).
Sa Miami, kumolekta si Bam Adebayo ng 18 markers, 11 boards at 5 assists sa 115-101 pagsunog ng Heat (26-24) sa Cleveland Cavaliers (17-32).
Sa Detroit, humugot si Julius Randle ng 20 sa kanyang 29 points sa first quarter para ihatid ang New York Knicks (25-25) sa 125-81 panalo sa Pistons (14-35).
Sa San Antonio, tumipa si Caris LeVert ng 26 points para sa 139-133 overtime win ng Indiana Pacers (22-26) sa Spurs (24-23).
- Latest