Magpayo pinarangalan sa US NCAA
MANILA, Philippines — Ginawaran si Filipino-American college basketball coach Mike Magpayo ng Joe B. Hall award o katumbas ng best rookie coach sa prestihiyosong US NCAA men’s basketball.
Si Magpayo ang kauna-unahang Asian-American coach sa US NCAA Division I na nakatanggap ng naturang parangal.
Ginabayan nito ang University of California (UC) Riverside sa matikas na 14-7 rekord para makuha ang No. 3 spot sa Big West Standings.
Dinala rin ni Magpayo ang Highlanders sa semifinals ng Big West Tournament — ang kauna-unahang semis stint ng tropa sapul noong 2011.
Tinalo ni Magpayo sa parangal sina Isaac Brown ng Wichita State, Brian Burg ng Georgie Southern, Terrence Johnson ng Texas State, Stan Johnson ng Loyola Marymount, Brad Korn ng Southeast Missouri State, Jason Shay ng ETSU at Takayo Siddle ng UNCW.
- Latest