WBO target ni Nietes
MANILA, Philippines — Sa edad na 38-anyos, nais patunayan ni dating world champion Donnie Nietes na kaya pa nitong makipagsabayan at maibalik ang dating ningning sa kanyang pangalan.
Kaya naman ilalabas nito ang lahat ng alas upang makuha ang panalo kontra kay Colombian Pablo Carrillo para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) international super-flyweight title.
Magtutuos sina Nietes at Carrillo sa Caesars Palace Dubai sa United Arab Emirates.
Sa official weigh-in, nagtala si Nietes ng 114.9 pounds tumimbang si Carrillo ng 114.6 pounds.
Sabik na si Nietes na muling tumuntong sa ring dahil mahigit dalawang taon din itong natengga dahil sa pandemya.
“I’m so happy and excited that finally for the first time since 2018 I will be able to get back in the ring and fight,” ani Nietes.
Dumaan sa pukpukang training camp si Nietes upang maibalik ang perpektong kundisyon nito.
At handa na ang game plan ni Nietes at alam na nito ang magiging estratehiya matapos panoorin ang mga nakalipas na laban ni Carrillo.
“Pablo is a good guy and he knows how to fight, but this will be an exciting performance from me. The pandemic and COVID doesn’t hinder my dreams to continue in boxing,” ani Nietes.
Mahalaga ang laban na ito para kay Nietes na kailangan nitong makuha upang muling buksan ang pintuan para sa mas malalaking laban.
Sa kabilang banda, handa rin ang Colombian pug na ibuhos ang lahat para makuha ang panalo.
- Latest