^

PSN Palaro

Sotto graduate na sa high school

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang tagum­pay ang nakamit ni NBA prospect Kai Sotto matapos makuha ang kanyang high school diploma sa Miami School sa Hamilton, Ohio.

Inilabas ng kanyang ama na si dating PBA player Ervin sa kanyang social media account ang tagumpay ng 7-foot-5 Pinoy cager.

Sa larawan, nakasuot ng toga si Sotto hawak ang diploma na patunay na nakapagtapos na ito ng secondary education.

Kasama ni Sotto sa picture ang kanyang buong pamilya at ilang opisyal ng Miami School.

Magugunitang nilisan ni Sotto ang Ateneo de Manila University High School noong 2019 matapos ang kanyang 10th grade upang magtungo sa Amerika.

Sumailalim sa iba’t ibang training camp si Sotto sa Amerika para mas lalong mahasa ang kanyang basketball skills.

Sa gitna ng pukpukang ensayo, hindi kinalimutan ni Sotto ang kanyang edukasyon na isa sa pangunahing prayoridad nito.

Hindi natuloy ang pag­sabak nito sa NBA G League kasama sana ang Ignite matapos bumalik ng Pilipinas noong Pebrero upang samahan ang Gilas Pilipinas sa training camp nito sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna.

Naghahanda ang Gilas Pilipinas sa FIBA  Asia Cup Qualifiers na naudlot din at inilipat sa Hunyo.

vuukle comment

SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with