^

PSN Palaro

Ancajas ingat na ingat na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas ingat na ingat na!
Jerwin Ancajas
Philstar.com/File Photo

Ilang araw bago ang laban...

MANILA, Philippines — Todo ingat na ang kam­po ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight Jerwin Ancajas upang makaiwas sa coronavirus disease (CO­VID-19) ilang araw bago ang laban nito.

Ayaw ng grupo ni Ancajas ang nangyari kay d­ating world champion Nonito Donaire Jr. na matatandaang naudlot ang laban matapos magpositibo sa swab test na kalaunan ay lumabas na negatibo sa confirmatory test.

Awtomatikong kinakansela ang lahat ng boxing fights sa oras na may mag­positibo sinuman sa dalawang boksingerong maglalaban. Kaya naman ingat na ingat na ang Ancajas camp para maiwasan ang anumang aberya.

Matinding health protocols ang ipinatutupad sa loob ng training camp ni Ancajas.

Dalawang beses din kada linggo sumasailalim sa swab test ang lahat para matiyak na walang may virus sa loob ng camp.

“Sobrang ingat po kami ngayon sa training camp namin. Twice a week ang swab test namin para alam namin ang status ng bawat isa,” ani Joven Jimenez, ang trainer/manager ni Ancajas.

Puspusan na ang paghahanda ni Ancajas na halos nasa 100 porsi­yento nang preparado para sa title defense nito kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril 10 (Abril 11 sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Mahigit isang taon nang nabakante si Ancajas na huling sumalang noon pang Disyembre 2019 nang pataubin nito via knockout si Miguel Gonzalez ng Chile.

vuukle comment

IBF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with