^

PSN Palaro

Maraño, Valdez masaya para kay Jaja

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Maraño, Valdez masaya para kay Jaja
Alyssa Valdez
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tunay na masaya ang buong volleyball community sa tinatamasang tagumpay ni Jaja Santiago partikular na sa katatapos na  Japan V.League.

Si Santiago ang unang Pinay volleyball player na nakasungkit ng gintong medalya sa international stage.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang papuri sa 6-foot-5 middle blocker.

Kabilang sa mga nagbigay ng mainit na mensahe sina volleyball stars Aby Maraño at Alyssa Valdez.

“Goosebumps. Con­gra­tulations @alyjasantiago03 deserve mo to be! We are proud of you,” ani Maraño.

Mainit din ang mensahe ni Valdez na proud na proud sa tagumpay ni Santiago.

“Wooohh!! Congratsss, @alyjasantiago03!!,” ani Valdez sa kanyang post sa social media.

Bagamat magkakalaban sa commercial league, magkakaibigan sina Santiago, Valdez at Maraño sa labas ng court.

Naging teammates na ang tatlo sa national team sa mga nakalipas na edis­yon ng Southeast Asian Games at iba pang international tournaments.

Muling masisilayan ang bakbakan ng tatlong players sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na tinatarget masimulan sa Mayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Inaabangan na ang pagtutuos nina Valdez, Maraño at Santiago na nasa magkakaibang teams.

Pangungunahan ni Valdez ang title defense ng Creamline Cool Smashers habang papalo si Maraño para sa F2 Logistics.

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with