^

PSN Palaro

Sa COVID-19 surge... PBA schedule nabulabog — Marcial

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sa COVID-19 surge... PBA schedule nabulabog � Marcial
PBA commissioner Willie Marcial
PBA Media Bureau, file

MANILA, Philippines — Aminado si PBA commissioner Willie Marcial na nabulabog ng husto ang schedule ng liga para sa PBA Season 46 Philippine Cup opening na target sana sa Abril 18.

Hindi lamang ang 5x5 maging ang 3x3 event ng liga ay naapektuhan sa mga bagong kaganapan sa bansa patungkol sa coronavirus disease (COVID-19) response ng gobyerno.

“Nabulabog pati 3x3. Paano sisimulan eh hinto ang lahat? Mahirap gumawa ng programa at sche-dule. Kailangan pa niyan mag-praktis, eh paano mag-pra-praktis?” ani Marcial.

Ngunit muling iginiit ni Marcial na suportado nito ang ipinatutupad na health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil ito ay para sa kapakanan ng lahat.

Kaya naman handa ang liga na sumunod sa anumang direktibang ibinibigay para tuluyang masugpo ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Nanganganib na hindi masimulan sa Abril 18 ang season dahil biglang tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, nagpatupad ng panibagong restrictions ang IATF kung saan nasa bubble ang NCR, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Alam ni Marcial na puspusan ang trabaho ng gobyerno upang mapigilan ang COVID-19 surge.

Hihintayin na lamang ng liga na matapos ang restrictions sa Abril 4 bago mag-follow up sa IATF.

Nais sana ni Marcial na magkaroon ng sapat na ensayo ang mga koponan dalawang linggo bago masimulan ang Philippine Cup.

vuukle comment

PBA

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with