Andre, 2 pa may kontara na sa Bossing
MANILA, Philippines — Pormal nang masisilayan sa aksyon si Andre Paras sa PBA.
Ito ay matapos makakuha ang 6-foot-5 cager ng dalawang taong kontrata sa Blackwater.
Binigyan din ng dalawang taon na kontrata si Joshua Torralba habang one-year deal naman ang nakuha ni Rey Mark Acuno.
Wala pang pormal na pirmahang naganap dahil iniiwasan pa ang face-to-face encounter.
Kaya naman inaasahang magkakapirmahan na ang lahat matapos ang Holy Week.
Samantala, kinuha rin ng Blackwater ang serbisyo ni Kelly Nabong.
Naging free agent si Nabong na mula sa NorthPort.
Kaya’t agad itong sinunggaban ng Bossing.
Nagtala si Nabong ng averages na 11.55 points at 5.18 rebounds noong PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.
Ayon sa ilang ulat, anim na buwan muna ang magiging kontrata ni Nabong.
Matapos nito, saka lamang magdedesisyon ang pamunuan ng Bossing kung bibigyan pa ito ng extension o hindi na.
- Latest