^

PSN Palaro

College rivals excited na makaharap ni Maraño

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
College rivals excited na makaharap ni Maraño
Maraño at Valdez
STAR/File

MANILA, Philippines — Excited na si F2 Logis­tics middle blocker na makaharap ang mga pla­yers na nami-miss nitong makalaban noong nasa college days pa ito.

Ngayong nasa Premier Volleyball League (PVL) na ang Cargo Movers, matutupad na ang kahilingang ito ni Maraño.

Partikular na tinukoy ni Maraño ang ilang Ateneo de Manila University pla­yers gaya ni Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez na nakasabayan nito sa UAAP.

“Nakaka-miss talagang makalaban sila Alyssa and ‘yung other players na nasa PVL. Kasi dati sa Philippine Superliga kami, so ngayon makakasama na namin ulit sila sa isang tournament,” ani Maraño na dating team captain ng La Salle.

Itinuturing na pinakamainit na magkaribal sa collegiate league ang Ateneo at La Salle hindi lamang sa basketball ma­ging sa volleyball.

At naging bahagi na sina Maraño at Valdez sa rivalry na ito noong nasa college pa ang dalawang mahusay na players.

Kaya naman muling mag­kikita-kita ang mga UAAP players sa PVL na tunay na inaabangan ng lahat.

“Sobrang excited na ako dahil sama-sama kami sa isang liga. Mas lalong tumataas at umaangat ‘yung level of volleyball performance talaga,” ani Maraño.

Maliban sa magiging magandang takbo ng liga, magandang pagkakataon din ito para tuluyang magkaisa ang volleyball sa bansa.

Inaabangan na rin ang pagbabalik ni Filipino-Ame­rican Kalei Mau na nagkumpirma na ng paglahok sa Open Conference.

Kaliwa’t kanan na ang poster ng Valdez vs. Mau sa social media na mas lalong nagpapatindi ng excitement ng mga volleyball fans.

Bakit nga naman hindi, e mahigit isang taon nang walang napapanood na umaatikabong aksyon ang mga fans matapos matigil ang mga tournaments dahil sa pandemya.

vuukle comment

ABY MARAñO

ALYSSA VALDEZ

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with