Clippers itinumba ang Mavs
DALLAS — Humataw si Kawhi Leonard ng 22 points at may tig-15 markers sina Paul George at Ivica Zubac para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 109-99 pagpapak sa Mavericks.
Nagdagdag sina Marcus Morris Sr. at Nicolas Batum ng tig-14 points para sa Clippers (26-15) habang may tig-12 markers sina Reggie Jackson at Patrick Patterson.
Sa San Francisco, tumapos si LeBron James na may triple-double sa kanyang 22 points, 11 assists at 10 rebounds para igiya ang nagdedepensang Los Angeles Lakers (26-13) sa 128-97 panalo sa Golden State Warriors (20-20).
Sa Washington, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 31 points, 15 rebounds at 10 assists para ihatid ang Milwaukee Bucks (25-14) sa 133-122 pagdaig sa Wizards (14-24).
Sa New York, umiskor si Kyrie Irving ng 34 points at itinala ni James Harden ang kanyang ika-10 triple-double sa season sa paghatid sa Brooklyn Nets (27-13) sa 117-112 panalo sa Knicks (20-20).
Sa Denver, inilista ni Nikola Jokic ang 32 points at 14 boards para sa kanyang ika-35 double-double sa 121-106 pagdaig ng Nuggets (23-16) sa Indiana Pacers (17-21).
- Latest