^

PSN Palaro

Estado ni Kouame sa UAAP kwestiyunable pa?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Estado ni Kouame sa UAAP kwestiyunable pa?
Angelo Kouame
STAR/File

Sakaling maging naturalized na...

MANILA, Philippines — Malaking katanungan kung ano ang magiging estado ni Angelo Kouame sa UAAP sa oras na maipormalisa na ang pagiging naturalized player nito.

Mismong ang mga Senador na ang nagtaas ng tanong kung ano ang magiging hakbang ng pamunuan ng UAAP sa magiging sitwasyon ni Kouame.

“As it is, Ateneo is already lording it over with one import and that’s Kouame. If they were to get another import, would that not be fair to the rest of the league?” ani Sen. Sonny Angara.

Sa kasalukuyan, dalawang kategorya lamang ang student-athlete sa UAAP — ang local player at foreign player.

Habang wala pa ang naturalization, mananatiling foreign student-athlete si Kouame.

Sa kaso nina Marcus Douthit at Andray Blatche, bagamat naturalized pla­yers na ang mga ito, hindi sila maaaring lumaro sa PBA bilang regular players.

Naging bahagi sina Douthit at Blatche ng Gilas Pilipinas na sumabak sa iba’t ibang FIBA international tournaments.

Nilalakad naman ang naturalization ni Kouame upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas na sasabak sa ilang malalaking torneo.

Kabilang na rito ang FIBA Asia Cup proper sa Agosto sa Jakarta, Indonesia at FIBA World Cup na itataguyod ng Pilipinas sa 2023.

vuukle comment

ANGELO KOUAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with