^

PSN Palaro

Mindset ng mga players iba na ngayon — Duremdes

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mindset ng mga players iba na ngayon � Duremdes
PBA superstar Kenneth Duremdes
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tunay ngang iba na ngayon ang isip ng mga basketball players kumpara noon.

Isang halimbawa rito ay si dating PBA superstar Kenneth Duremdes, hinirang na Most Valuable Player noong 1998 habang naglalaro para sa Alaska.

“Well, iyong generation kasi ngayon hindi natin puwedeng ikumpara sa generation namin,” wika ng 47-anyos na si Duremdes. “Talagang noong araw, kami ang intention is to play, to show your talent regardless kung anuman iyong problema sa career mo.”

“Pero pagdating naman doon sa trabaho mo, sa laro mo wala na iyon dapat. Talagang iisipin mo na isa kang professional na manlalaro at kaya ka nga umabot diyan dahil gusto mong maglaro ng basketball,” dagdag ng dating kamador ng Adamson Falcons sa UAAP.

Problema ngayon ng TNT Tropang Giga si star guard Bobby Ray Parks Jr. na inihayag kamakailan na hindi maglalaro sa darating na PBA Season 46 dahil sa problema sa pamilya sa United States.

Ngunit nalaman na masayang nagbabakasyon lamang ito sa isang beach resort sa La Union.

“Mahirap namang ikumpara dahil iba na ang mindset ng mga players ngayon eh,” ani Duremdes. “Marami na siguro silang iniisip, marami nang nagba-bother sa kanila, marami na silang plans na hindi natin nakokontrol.”

Hinirang na No. 3 overall pick ng Sunkist Orange Juicers noong 1995 PBA Draft, may anim na PBA championships ang 6-foot-2 na si Duremdes tampok ang paghatid sa Alaska sa All-Filipino at Commissioner’s Cup titles noong 1998.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with