^

PSN Palaro

FIBA ACQ target sa Hunyo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
FIBA ACQ target sa Hunyo
Sonny Barrios
SBP Photo

MANILA, Philippines — Magkakaroon pa ng mahaba-habang ensayo ang Gilas Pilipinas upang makabuo ng chemistry dahil sa Hunyo pa ang target date para ituloy ang FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ito ang inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios kung saan isiniwalat nitong sa Hunyo 14 hanggang 20 ang tentative date para sa third window ng qualifiers.

Kaya naman magandang pagkakataon ito para mas lalo pang mahasa ang Gilas Pilipinas na sasabak sa naturang torneo.

“They’re looking at June 14 to 20. That’s the tentative schedule for now. They have yet to make an official release but that’s what they’re looking at right now,” ani Barrios sa programang Power and Play.

Maliban sa preparas­yon ng Gilas Pilipinas, magkakaroon din ng sapat na panahon ang SBP para maplantsa ang lahat ng kailangan sa hosting ng third window.

Magugunitang ibinalik sa Clark, Pampanga ang pagdaraos ng qualifiers matapos makansela ang hosting ng Doha, Qatar noong Pebrero 17 hanggang 23 dahil sa pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases doon.

Muling binuksan ng SBP ang komunikasyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang makipag-ugnayan para sa tamang pagpapatakbo ng qualifiers.

Partikular na kinakausap ng SBP si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon gayundin ang iba pang kinatawan ng Inter-Agency Task Force at Department of Health.

“We will revive what we did for March hosting but it got pushed back to June. The office of secretary Vince is very supportive of our bid to host in June,” ani Barrios.

Halos kasado na ang lahat para sa pagtataguyod ng bansa ng final window subalit nais ng SBP na masiguro na nasa ayos ang lahat partikular na sa health protocols na ipatutupad.

Dalawang grupo ang maglalaro sa Clark bubble. Isa na ang Group A na kinabibilangan ng Pilipinas, South Korea, Indonesia at Thailand.

Ang isa pang grupo ay inaasahang papangalanan ng FIBA sa mga susunod na araw.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with