Conley pinalitan si Booker
Para sa 2021 Nba All-Star game
NEW YORK — Maglalaro si 14-year veteran guard Mike Conley ng Utah Jazz para sa kanyang kauna-unahang NBA All-Star Game.
Pinalitan ng 33-anyos na si Conley si star guard Devin Booker ng Phoenix Suns sa Team Durant para sa 2021 NBA All-Star Game sa State Farm Arena, Atlanta.
Nagkaroon si Booker ng left knee sprain na nangyari sa first quarter sa panalo ng Suns laban sa Golden State Warriors noong Huwebes.
Maliban sa All-Star Game ay hindi na rin makikita si Booker sa Three-Point contest.
Nauna nang tinapik si Booker bilang isang injury replacement kay Los Angeles Lakers forward Anthony Davis na mayroong calf strain at Achilles tendinosis.
Si Conley ang ikatlong Jazz player na maglalaro sa 2021 NBA All-Star Game bukod kina Donovan Mitchell at Rudy Gobert.
- Latest