Cone pararangalan ng PBA Press Corps
MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang paghatid sa Barangay Ginebra sa korona ng 2020 PBA Philippine Cup ay ibibigay kay head coach Tim Cone ang Outstanding Coach of the Bubble award ng PBA Press Corps sa virtual Awards Night bukas sa TV5 Media Center.
Tinalo ng Gin Kings ang TNT Tropang Giga, 4-1, sa kanilang best-of-seven championship series sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.
Nagawa ito ni Cone at ng Ginebra bagama’t hindi nakasama ng Ginebra sa ‘bubble’ tournament si center Greg Slaughter bukod pa sa kakulangan sa kondisyon nina LA Tenorio at Japeth Aguilar.
Makakasama ni Cone sa center stage si 2019 Baby Dalupan Coach of the Year winner Leo Austria ng San Miguel sa special two-in-one awards night na inihahandog ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush sa Marso 8.
- Latest