^

PSN Palaro

Gilas gigil nang makalaban ang South Korea

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sabik na ang bagitong Gilas Pilipinas na makasagupa ang South Korea sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Alam ni Gilas Pilipinas team captain Kiefer Ra­vena na matinding laban ang kanilang haharapin kontra sa South Korea na isa sa mortal na karibal ng Pilipinas sa basketball.

Subalit handa ang kanyang mga katropa na maki­pagsabayan sa South Korea na mamanduhan ng dating PBA import na si Ricardo Ratliffe na natura­lized player.

Nanghihinayang si Ra­vena na hindi natuloy ang qualifiers sa Doha, Qatar matapos tumaas ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) doon.

Ayon kay Ravena, gigil na gigil na ang Gilas na makaharap ang South Korea. Karamihan sa miyembro ng Gilas pool ay mula sa cadets.

“Sayang ‘yung pagod, ‘yung pawis, ‘yung eagerness na maipakita mo na alam namin na ready na ready na talaga kami eh. ‘Yun ‘yung parang pinaka-panghihinayang,” ani Ra­vena sa programang Power and Play.

Walang magawa ang Gilas Pilipinas kundi ang maghintay ng anunsiyo mula sa FIBA kung kailan itutuloy ang third window ng qualifiers.

Kaya naman sa oras na makasagupa ng Gilas Pilipinas ang South Korea, asahan na ibubuhos nito ang buong lakas nito para makuha ang panalo.

“Siyempre, lahat kami ang naririnig lang namin is bata ‘yung pinadala, siyempre baka maano sa Korea ng experience, gusto namin i-prove ‘yun otherwise,” ani Ravena.

Nais patunayan ng Gilas Pilipinas na kahit mga bagito ang karamihan sa miyembro nito, may ibubuga ito kalakip ang mantrang “puso” na dala-dala ng koponan sa lahat ng laban nito.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with