^

PSN Palaro

MVP malaki ang papel sa pagbabalik ni Chot sa TNT

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
MVP malaki ang papel sa pagbabalik ni Chot sa TNT
Chot Reyes
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa isa nilang pag-uusap ni TNT team owner Manny V. Pangilinan ay hindi inasahan ni Chot Reyes na aalukin siya ng businessman/sportsman na magbalik sa pagiging head coach ng Tropang Giga.

Matapos ang ilang araw ay tinanggap na rin ng da­ting Gilas Pilipinas mentor ang nasabing alok ni ‘MVP’.

“I thought my time was up, I was already doing other things but you know, hindi mo rin talaga masasabi,” sabi ng 57-anyos na si Reyes, hinawakan ang TNT franchise mula noong 2008 hanggang 2012.

Inihatid ni Reyes ang mga Tropang Texters sa apat na PBA championships bago nawala sa kanyang posisyon noong 2012.

Pinalitan ni Reyes sa pagmamando sa Tropang Giga si active consultant Mark Dickel na nabigong igiya ang koponan sa korona ng nakaraang 2020 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Barangay Ginebra ang TNT 4-1, sa kanilang best-of-seven championships series sa ‘bubble’ sa Clark, Pampanga.

Isasama naman si dating head coach Bong Ravena sa coching staff ni Reyes.

Nakatakdang buksan ang PBA Season 46 sa Abril 9 sa pagdaraos ng Philippine Cup na idedepensa ng mga Gin Kings ni coach Tim Cone.

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with