Mitchell humataw sa Jazz vs Heat
Nets nirapido ang warriors
SALT LAKE CITY, Philippines — Dumiretso ang Utah Jazz sa kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos patumbahin ang Miami Heat, 112-94, tampok ang 26 points ni Donovan Mitchell.
Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 19 points at nagposte si center Rudy Gobert ng 16 points, 12 rebounds at 3 blocks para sa Jazz (22-5).
Pinamunuan ni Kendrick Nunn ang Heat (11-15) sa kanyang 20 points habang nagtala si Jimmy Butler ng 15 points, 8 rebounds at 5 assists at kumolekta si Bam Adebayo ng 14 points, 10 boards at 6 assists.
Sa San Francisco, umiskor si Kyrie Irving ng 23 points at may 20 markers si Kevin Durant para sa 134-117 pagrapido ng Brooklyn Nets (15-12) kontra sa Golden State Warriors (14-12).
Pinamunuan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanyang 27 points.
Sa Phoenix, kumamada si Devin Booker ng 36 points habang may 18 points at 10 assists si Chris Paul para sa 120-111 tagumpay ng Suns (16-9) sa Philadelphia 76ers (18-9).
Sa New York, tumipa sina Julius Randle at rookie Immanuel Quickley ng tig-22 points para sa 121-99 paggupo ng Knicks (13-15) kontra sa Houston Rockets (11-15).
Sa Atlanta, naglista si Doug McDermott ng 26 points para ihatid ang Indiana Pacers (14-13) sa 125-113 pagpapabagsak sa Hawks (11-15).
- Latest