^

PSN Palaro

Kahit nakansela ang third window Ravena positibo pa rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kahit nakansela ang third window Ravena positibo pa rin
Dismayado ang lahat nang bumulaga kahapon ang hindi magandang balitang nagdesisyon ang Qatar na ipagpaliban ang third window dahil sa pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases.
File

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Gilas Pilipinas team captain Kiefer Ravena sa patuloy na sumusuporta sa Gilas Pilipinas sa kabila ng kanselasyon ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar.

Dismayado ang lahat nang bumulaga kahapon ang hindi magandang balitang nagdesisyon ang Qatar na ipagpaliban ang third window dahil sa pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases.

Subalit hindi ito dahilan para masira ang mood at magandang samahan ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“Thank you to my brothers, we’ve fought day in and day out, pushing each other to our limits and sacrificed time away from family and loved ones. All part of our journey to represent our country,” ani Ravena.

Halos isang buwan nang nasa Calambubble ang Gilas Pilipinas at malaki na ang naging sakripisyo ng lahat ng players na nasa training camp.

Nagdesisyon pa si Kai Sotto na lumiban sa unang bahagi ng kampanya ng Ignite sa NBA G League upang samahan ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa third window.

Kaya naman malaki rin ang pasasalamat ni Ravena sa teammates nito na nagbuhos ng pagod at pawis para maging bahagi ng national team.

Hindi rin nakalimutan ni Ravena na bigyang-pugay ang lahat ng miyembro ng coaching staff sa pangu­nguna nina SBP program director Tab Baldwin at se­cond window head coach Jong Uichico.

vuukle comment

FIBA

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with